Wednesday, February 29, 2012
Ang ulan, ang baha, at ang UP Fighting Maroons
Ang lahat ng ito ay nagyari noong July 25 2010.
Umuulan noon. Papunta ako ng ULTRA sa Pasig para manood ng required na game ng UAAP. UP vs FEU yun. 2 pm yung game, pero dahil sa Bulacan pa ako nakatira, at hindi pa ako pamilyar sa lugar na pupuntahan ko, kinailangan kong umalis ng 11:30 para hindi ako ma-late. Hindi kasi kukunin ang attendance card sa PE kapag na-late ka ng dating, kapag natapos na ang first quarter ng game.
So ayun. Nagbus ako, papuntang Timog. From there, sasakay ako ng MRT to Shaw, sakay ng jeep papuntang ULTRA. Though malakas yung ulan, confident ako ng isang ordinaryong araw lang ito at titigil din ang ulan, at makakarating akong fresh at hindi na-haggard (syempre, dahil may MRT)
YUN ANG AKALA KO
Nasa Philcoa na ako, hindi pa din tumitigil ang ulan. Medyo nagtaka na ako, pero keri lang.
Then pumasok ng Elliptical Road. boom
Traffic sa papasok pa lang ng road. Nung nakita ko yung reason, napa-OMG nalang ako. BAHA sa Elliptical Road.
Okay, sabi ko. Well, na-Ondoy na naman ang Metro Manila so hindi na to bago. Optimistic pa din ako na makakarating ako nang walang hassle. Hanggang sa pagpasok ng East Ave.
Sobrang Traffic. Hindi na gumagalaw ang mga sasakyan. 1pm na kasi nun, at kung mag-stay pa ako, malamang sa malamang, hindi na ako makakarating ng ULTRA on time. So mega baba na ako. Lalakarin ko nalang hanggang Timog. Malapit nalang naman.
Then, may nakasalubong akong ale.
Ale: Pupunta kang East Avenue? Wag ka nang tumuloy, malalim na yung tubig, hindi na makadaan yung mga jeep
WOA. MEGA WOA.
Okay, so hindi ako makakadaan sa East Ave. Isip, isip, dapat makarating ka ng ULTRA. Sayang ang ticket, ang pamasahe, ang time at ang haggardness. May isa pang daan, Quezon Ave.
So naglakad ako papuntang Quezon Ave. Nilakad-takbo ko ang kahabaan nun hanggang sa intersection niya sa EDSA. Then tumawid ako sa kabilang side, using the foot bridge to get to the other side para makasakay na ng MRT. Okay na, malapit na ako sa MRT.
Yun ang akala ko
Pababa na ako ng foot bridge nang nakita ko ang.... rumragasang basa. Mga knee deep ata yun, at ang lakas ng current. Dun sa mismong bababaan, ang lalim ng tubig.
Okay, isip isip. Babalik ba ako or lulusungin ko yan?
Then, nakita ko yung flower box na mukhang hindi naman sa tabi. Hindi siya inabot ng baha. Pumunta ako sa dun sa flower box, kahit na that would require me na tawirin ang isang bakod na hanggang bawyang ko taas. Wala nang hiya-hiya 'to. Wala nang kahinhinan. Isa lang ang tumtakbo sa isip ko: Kailangan kong pumunta ng ULTRA.
Nakatawid naman ako nang matiwasay. Pumasok ako sa Centris Mall at nakasakay ako ng MRT nang matiwasay, kahit madulas ang tsinelas ko . Pero mga 1:45 na nun, so mega panic na ako nun. Ma-lelate na ako eh. But thank goodness to the speed of the MRT, 1:55 lang, nasa Shaw na ako.
Okay okay. So ano nang susnod. Mega hanap ako ng jeep. nung nakahanap na ako, sumakay na ako, then bumaba sa may ULTRA. 2:15 na. Makakahabol pa kaya ako? 10 mins lang ang bawat quarter. Habang nasa daan at naglalakad, isa lang ang dinadasal ko: Sana maraming foul.
Nakarating ako, nakapasok at nakaupo sa ULTRA. Pagtingin ko sa score board, nakita ko, first quarter palang. at may 2 mins pa. WOOOOT
Hindi nasayang ang pagpapakahaggard ko, ang pagpapakabasa at pagtawid sa bakod, ang pagkawala ng poise. Sulit. Matatatakan ang Attendance Card ko.
Pero kung tatanungin nyo kung sulit ba ang game, hindi. As usual, talo na naman kami. Mega cheer pa ako nun, kaso, ayun. Well, kinda expected na naman yun bilang FEU naman ang kalaban.HAHAHA.
First game yung samin. Hindi ko na tinapos yung second game. Umuwi na ako after kong makuha ang Attendance Card kong may bago nang tatak. May exam ako sa Tuesday, may paper pa. So dapat nga umuwi na ako. At isa pa, gusto ko na lang magpahinga.
So mega MRT na ako pauwi. Na-trauma ako sa kabahaan sa Quezon Ave at East Ave. Buti na lang may North Ave, na hindi binaha, at dun ako dumaan pauwi. Hindi na ako nag-stay nang matagal sa Trinoma pagkatpos kong bumili ng food. Kahit pa andun si Jason Derulo nung araw na yun. Kahit pa may concert siya nun sa Trinoma. Isa lang ang nasa isip ko: Gusto ko nang umuwi. Gusto ko nang matulog.
Lesson:
1. Wag kukuha ng Cheerleading Class kapag rainy season.
2. Dapat may mga alternative routes ka.
3. Wag bibili ng payong na tig-50 pesos.hehe
4. Wag gagamit ng tsinelas na madulas kapag basa.
5. Wag magsusuot ng maong kapag umuulan.
6. wag uubusin ang boses mo kung alam mo namang masasayang din naman. (HIHIHIHIHIH)
Pero: SOBRANG MEGA THANK YOU MRT!!!! SOBRA.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment