kasi nakasabay ko sa pila yung mga bumibili ng school supplies para sa pasukan.
actually, halos lahat yata ng mga tao dun ay bumibili ng gamit para sa pasukan. maramihan kung bumili ng mga gamit, mga notebook na may print ng anime or toys, or iba pang print, mga ballpen, pambura, pantasa, lapis, crayola, ruler, pad paper, bond paper (na binibgkas na bam paper). at oo, mga batang kasama ng kanilang mga magulang ang mga namimili. karamihan ay mga elementary, kung tatantyahin ang kanilang mga laki. may mga mangilan-ngilang high school.
lahat ng nagbabayad sa counter, maging ang mga nakasabay ko ay mga nagsipamili ng gamit. halos lahat madami ang binili. karamihan, based sa mga naririnig ko sa counter, ay hindi bababa sa PHP 500 ang napamili. ako lang yata ang bumaba: PHP 2.
habang nakapila at nakatingin sa mga magulang na busyng busy na bumibili ng mga gamit ng mga anak nila, nakatawag ng aking pansin ang isang batang ang attitude ay "bilmoko". kuha siya ng kuha ng mga gamit na gusto niyang magkaroon, habang ang nanay nama niya ay pilit na isinasauli ang mga iyon. kapag naman isinasauli niya ang mga iyon, ang bata ay biglang magtatatarang, magagalit at magsisimulang maglitaya ng "kulang yan, gusto ko madami; kailangan ko madami... eh luma na yun eh" it iba pang mga salita na makakakumbinsi sa kanyang magulang na bilhin ang mga gusto niya. ang nanay naman, dahil nagtitipid, tinitiis naman ang mga sinasabi ng anak, dahil nga nagtitipid sila.
tipikal na tanawin kapag palapit na ang pasukan.
tipikal na tanawin kapag palapit na ang pasukan.
hindi ko alam kung bakit, pero the fact the nag-iisa lang ako dun na hindi bumili ng school supplies para sa pasukan, gives me a feeling of alienation, yung feeling na dati rati yun yung ginagawa mo, pero ngayon hindi na. mas lalo pa nung naintensify yung feeling na tumatanda na talaga ako.
at oo namimiss ko yung ganoon.
habang tinitingnan ko yung mga namimili, hindi ko maiwasang maalala yung dati, nung hindi pa ako tumutuntong sa college at madami pa ako kung bumili ng gamit. dati noon, sabik ako sa bago. gusto ko lahat ng gamit ko bago. gusto ko kapag inilalabas ko na sla sa bag ko na siyempre bago din, hindi pa sila gamit, hindi lukot at hindi pa laspag. bago pa. gustong gusto ko noon ng bago.
pero ngayon hindi na. okay lang sakin kahit luma yung gamit. okay lang kahit last sem pa or last year pa yung bag, basta nagagamit. di ko na tinitingnan kung bago o hindi, basta nagagamit. kumbaga, tumitingin ako sa essence niya, kung may silbi pa ba siya o wala. hindi na masyado kung bago o hindi.
naisip kong parte yun. darating talaga yung panahon na ang mga bata, makukuntento na sa kung anong mero sila at hindi na sila maghahangad ng bago. dahil ang paghahangad ng bago in terms of material things ay hindi pagkaunawa sa kung gaano kahirap ang buhay.
parte yun ng paglaki. kapag dumating ka na sa puntong kaya mo nang maintindihan ang mga bagay-bagay sa paligid mo, maiisip mo na mahirap ang buhay. makukuntento ka nalang sa kung anong mayroon ka, dahil nga mahirap nag maghangad pa ng iba pang mga bagay. mahirap makamit ang mga ito, kailangan mong kumayod nang husto.
parte rin ng paglaki yung pagkawala ng pagiging selfish. noong bata tayo, gusto natin lahat bago dahil gusto nating mapasaya ang mga sarili natin. iniisip natin ang ating mga sarili. pero ngayong lumalaki na tayo, nawawala na yun at pumapalit yung pag-unawa sa sitwasyon at kakayahan ng ating mga magulang. natututunan nating umunawa at isantabi ang ating mga sarili.
nami-miss ko rin naman yung mga panahon na yun. pero dumating na ako sa punto ng buhay ko na hindi ko na iniisip ang aking sarili. basta makatapos sa pag-aaral. basta maabot ang pangarap. basta mapaglingkuran ko Siya nang tapat. yun na lang. hindi ko na iniisip ang materyal kong kaligayahan. mas tumitingin na ako sa mga hindi materyal na bagay sa buhay.
natutuwa nalang akong panoorin ang mga batang tuwang-tuwa sa mga bago nilang gamit. naiisip ko ang kabataan kong hindi na babalik sakin.
hayaan muna natin sila. tatanda din sila. lilipas din yan.
No comments:
Post a Comment